Ngayon ay ang ika-pitong linggo ng aming talakayan sa Filipino.Sa linggong ito,tinalakay naming muli ang akdang Ang Dalit kay Maria at Ang Eliheya para sa Kamatayan ng aking Kuya.Binasa din naming muli ang akdang Kung tuyo na ang lumuha ka aking Bayan at pinag-aralan ang bawat taludtod sa tulong ni Bb.Basbas.Sa akdang ito aking natutunan ang hirap na dinaranas ng ating bayan at ang pagbangon mula sa mga paghihirap na dinaranas.Tinalakay din namin ang pagpapasidhi ng damdamin mula sa pinaka mababang damdamin hanggang sa pinaka masidhing damdamin at nagbigay ng ilang pagsasanay.
Noong Biyernes naman ay pinagawa kami ni Bb Basbas ng Eliheya para sa isang kamag-anak na sundalong namatay sa pakikipagdigma sa Mindanao.Ito ay may tatlong saknong at apat na taludtod.
Martes, Disyembre 30, 2014
Sabado, Disyembre 13, 2014
Repleksyon para sa ika-amin na linggo ng aming talakayan
Ngayon ay ang ika-anim na linggo ng aming talakayan sa Asignaturang Filipino.Sa linggong ito dahil sa may inaasikasong importanteng bagay ang aming guro na si Gng.Mixto noong Miyerkules at huwebes ay nag iwan na lamang siya ng mga gawain na kinakailangan naming sagutan para sa aming mga huling tinalakay na Akda. Kasama rin sa iniwang gawain ay ang iba pang Akda na hindi pa natatalakay na sa amin ay pinapabasa muna .Noong Biyernes ay nakapagturo na sa amin si Gng.Mixto.Aming tinalakay ang mga akdang Elehiya para sa kamatayan ng aking kuya,Ang Dalit kay Maria at Kung tuyo na ang luha mo aking Bayan.
Kaugnay nito tinalakay din namin ang pagkakaiba ng Elehiya,Dalit at Oda.Natuklasan ko na may ibat iba palang uri ng tula at ilan sa mga ito ay ang sumusunod.Ang Elehiya ay tulang liriko naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni na nagpapakita ng masidhing damdamin tungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay .Ang Dalit naman ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig sa bawat taludtud sa bawat saknong at may isahang tugmaan at ang Oda ay pandamdamin na pumupuri sa isang dakilang gawain ng tao.

Sabado, Disyembre 6, 2014
Repleksyon para sa ika-limang linggo ng aming talakayan
Ngayong ay ang ika-limang linggo ng aming tinalakay sa Asignaturang Flipino .Para
sa linggong ito,aming muling tinalakay ang Parabula ng Banga upang mas lalong
mabigyang linaw ang bawat isa lalo na yung mga wala ng araw na tinalakay
ito.Nagkaroon din kami ng pagsusulit patungkol sa Metaporikal. Ang Metaporikal
ay ang pagbibigay ng kahulugan maliban sa literal nitong kahulugan ..Bilang
Indibidwal naming Gawain,kinakailangan naming lumikha ng sariling parabula
patungkol sa mga kagamitan sa paaralan partikular na sa mga estudyante .
Kaugnay nito,aming tinalakay ang Elehiya sa kamatayan ng aking kapatid na isinalin sa Filipino ni Teresita F. Laxima.Ito ay patungkol sa kanyang kuya na namatay dahil sa sakit na dapat sana’y hindi pa mangyayari dahil hindi pa panahon,marami pa itong panagarap na kailangang gawin at pagmamahal na hindi pa naipapadama sa kanya ngunit kailanman ay hindi na matutupad at mangyayari. Kaya’t aking natutunan sa Elehiyang ito na kug may nais kang iparamdam sa iyong mga mahal sa buhay ay iparamdam o gawin muna dahil hindi natin alam kung ano ba ang mga susunod na mangyayari .

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)