Miyerkules, Enero 28, 2015

Repleksyon para sa ikalawang linggo ng ika-apat na markahan

              Ngayon ay ang ikalawang Lingo ng aming talakayan sa asignaturang Filipino.Kung ito ay aking ikukumpara sa unang lingo ng aming talakayan para sa Ika-apat na markahan ay masasabi kung mas marami ang aming nakuhang kalaman para sa linggong ito dahil aming natalakay kung ano ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere ,Dahilan ng pagkakasulat nito ni Dr.Jose Rizal,Mga akda na patungkol sa kanya at ang kanyang ginawang Tula at ang pokus na tanong para sa aming unang aralin.
          Para sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere,aming tinalakay dito ang pagkakaugnay-ugnay ng mga kaganapan sa espanya sa kanyang nobelang Noli Me Tangere.Ilan sa mga ito ay una ang pagagsak ng espanya sa pagiging kolonisador,pangalawa ay .Pagkalugi ng Galleon Trade.Pangatlo ay Pagkakahiwalay ng mga kalapit na bansa.at ang pang-apat ay Kawalan ng matatag na pamahalaan.
             Sa mga dahilan naman ng pagkakasulat ng Noli Me Tangere aming tinalakay ang kaugnayan ng pagbubukas ng Suiz Canal,Pagsibol ng Kaisipang Liberalidad,Equalidad at Fraternidad at Himagsikan sa Francia.
             Kaugnay nito binigyan kami ni Gng.Mixto ng pangkatang Gawain patungkol sa mga akda ni Rizal..Para sa unang pangkat inatasan sila na ipliwanag ng buod ng Noli Me Tangete .Sa Ikalawang pangkat  ay  ang Tsinelas.Sa ikatlo ay ang mga gamugamo at si Jose Rizal at para naman sa huling pangkat ay ang tulang sa aking mga kababata.Gayundin nagkaroon kami ng debate patungkol sa tanong na ‘Dapat ba o di dapat gin amit ni rizal ang kanyang panulat sa kapakanan ng bayan'.Sa kabilangt pangkat ay pangangatwiran nila ang dapat sa kabila nman ay ang Di-Dapat.

Martes, Enero 20, 2015

Replaksyon para sa ikalawang linggo ng aming Bakasyon

Ngayon ay ang ikalawang lingo ng aming bakasyon sa buwan ng desyembre.Sa Linggong ito ang ilan sa aking mga pinagkaabalahan ay ang paghahanda para sa nalalapit na Bagong Taon.Nariyan yung namalengke kami para sa aming iaahin,namili ng ilang mga prutas ,naglinis ng buong Bahay , namasyal at  iba pa.
        Ng Ika-31 na ng umaga lahat kami  ay abala  para sa aming mga ihahanda sa pagsapit ng alas dose ng gabi.Lahat ay may kanya kanyang ginagawa hanggang sa sumapit ang ika-10 ng gabi at naghintay para sa bagong taon.Naging masaya ang pagdiriwang namin at wala saamin ang nasaktan ng dahil sa paputok.Kinabukasan kami ay nagsimba para magpasalamat sa panginoon sa lahat lahat  ng  aming mga natatanggap o biyaya.
Bilang paghahanda sa aming pasukan,akin ng isinaayos ang aking mga kagamitang pampaaralan at tinapos ang mga dapat na gawin.

Replekston para sa unang linggo ng Bakasyon

Ngayon ay ang unang lingo ng aming Bakasyon sa buwan ng desyembre.Sa  Linggong ito ,ako ay nagging abala para sa mga pangkatang proyekto na hindi pa namin natatapos gawin at sa paghahanda para sa nalalapit na pasko .Ng natapos na ang aming mga pangkatang proyekto,nagging  abala naman  ako sa pagbili ng aming ipangreregalo sa aming mga pinsan,kamag-anak at kaibigan.Kung minsan ay namamasyal din ako kasama ang aking mga kaibigan at kamaag-aral.Madalas kaming magtungo sa Marikina partikular na sa River Park at River Bank para mag rides at mamili.Natapos ang aking pasko ng masaya kasama ang aking pamilya at mga kamag-anak.

Biyernes, Enero 16, 2015

Repleksyon para sa Ika-apat na Markahan



              Ngayon ay ang Unang linggo ng aming Talakayan para sa Ika-apat na markahan sa Filipino.Para sa linggong ito ,hindi kami gaanong nagkaroon ng talakayan dahil noong  Martes ay ang aming Ikatlong Markahang pagsusulit at nitong Miyerkules naman ay nag correct response lamang kami.Nitong Huwebes naman ay  nagkaroon lamang kami ng paunang kaalaman para sa aming mga  aralin sa ika-apat na markahan at ito ay patungkol sa Noli Me Tangere  na sa tagalog ay huwag mo akong salingin ni Dr.Jose P.Rizal.Binigay din ni Gng.Mixto ang Pokus na tanong  na aming kinakailangang masagutan bago matapos ang aralin.
              Kaugnay nito, binigay din sa amin ang aming gagawing produkto para sa Markahang ito.Ito ay patungkol sa paggawa ng isang Movie Trailer at short film ng isa sa kabanata ng Noli Me Tangere.Samntalang nitong beyernes at wala si Gng.Mixto dahil may inaasikaaso lamang sya na importanteng bagay kaya ni G.Mixto muna ang pansamantalang pumalit.Kami ay nagkaroong ng paunang pagtataya para sa markahang ito.
            Ito ang aking Replekson para sa linggong ito.

Lunes, Enero 12, 2015

Repleksyon para sa ikawalong linggo ng aming talakayan

Ngayon ay ang ika-walong linggo ng aming talakayan sa asignaturang Filipino.Sa linggong ito aming tinalakay  ang mga sumusunod:
            Pagpapasidhi ng Damdamin.Ang Papapasidhi ng damdamin ay isang uri ng  pahayag ng saloobin o emosyon sa paraang  papataas ang antas nito.Halimbawa nito ay paghanga , pasinta , pagliyag , pagmamahal.

             Sanaysay.Ang sanaysay ay Tuluyang kathaing naglalahad ng kaalaman ng kaalaman , kuro-juro, o damdamin sa isang maluwag , maguni-guni, pansarili, di-tapos, at di-ganap na pamamaraan.Mayroong tatlong elemento ang sanaysay,ito ay ang una,Paksa (Sentro ng ideya ng buong akda).Ikalawa,Tono ( Maaaring ang himig ay natutuwa , nasisiyahan, nagagalit , sarkastiko , naiinis , nahihiya at iba pa).At ang ikatlo ay ang  Kaisipan( mensaheng gustong iparating sa mga mambabasa.)
            Kaugnay nito ay ang Apat na uri ng Teksto ito ay ang 
Narativ o nagsasalaysay, Informativ o nagbibigay impormasyon, Persuasive o nanghihikayat,Argumentative o nagbibigay ng argumento.

           Pamaksang Pangungusap .Ang Pamaksang Pangungusap ay nagbibigay ng pahiwatig tungkol saan ang pag-unawa sa talata.Ipinahahayag ito sa pamamagitan ng isang pangungusap na tuwirang natutukoy kung ano ang pag-uusapan sa buong talata.Halimbawa :Tayo ngayon ay nalalagay sa gitna ng krisis pampolitika at ang Patulong na Pangungusap.Ang Pantulong na Pangungusap ay ang mga pangungusap na nagbibigay paliwanag o detalye sa pamaksang pangungusap .Halimbawa:Ang ating mambabatas aynasasangkot sa katiwalian.Paraan ng pagbuo ng Pantulong na pangungusap:
> Paggamit ng impormasyong maaaring mapatotohanan.
> Paggamit ng estadistika o survey.
>Paggamit ng halimbawa.
           Nagbigay din si Gng.Mixto ng mga gaawa at isa sa mga ito ay ang panonood ng isang Dokumentaryo at sagutin ang ilang mga katanungan patungkol dito.Bilang pagtatapos naman para sa ikatlong Markahan ay nagkaroon kami ng Pagsasanay para sa lahat ng aming mga tinalakay o napag-aralan. 

Lunes, Enero 5, 2015

Mga Akda para sa Ikatlong Markahan sa Filipino 9

Rama at Sita
          *https://m.facebook.com/notes/msjhen-pitoy/rama-at-sita-isang-kabanata-epiko-hindu-india-isinalin-sa-filipino-ni-rene-o-vil/919071248120515/
Ang Talinghaga Tungkol sa may  ari ng Ubasan
          *http://bws.biblista.net/mag-aral-tayo/ang-talinghaga-ng-may-ari-ng-ubasan/
Parabula ng Banga
          *http://www.slideshare.net/daniholic/parabula-ng-banga
Elehiya sa kamatayan ni kuya

             *http://www.slideshare.net/daniholic/elehiya-sa-kamatayan-ni-kuya

Ang mga Dalit kay Maria
           *http://www.slideshare.net/daniholic/ang-mga-dalit-kay-maria
Kung Tuyo na ang Luha mo aking Bayan
          *http://www.wattpad.com/81373717-grade-9-filipino-panitikang-asyano-kung-tuyo-na