Ngayon
ay ang ikalawang lingo ng aming bakasyon sa buwan ng desyembre.Sa Linggong ito
ang ilan sa aking mga pinagkaabalahan ay ang paghahanda para sa nalalapit na
Bagong Taon.Nariyan yung namalengke kami para sa aming iaahin,namili ng ilang
mga prutas ,naglinis ng buong Bahay , namasyal at iba pa.
Ng Ika-31 na ng umaga lahat kami ay abala para sa aming mga ihahanda sa pagsapit ng alas
dose ng gabi.Lahat ay may kanya kanyang ginagawa hanggang sa sumapit ang ika-10
ng gabi at naghintay para sa bagong taon.Naging masaya ang pagdiriwang namin at
wala saamin ang nasaktan ng dahil sa paputok.Kinabukasan kami ay nagsimba para
magpasalamat sa panginoon sa lahat lahat
ng aming mga natatanggap o
biyaya.
Bilang paghahanda sa aming pasukan,akin ng isinaayos ang aking mga kagamitang
pampaaralan at tinapos ang mga dapat na gawin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento