Pagpapasidhi ng Damdamin.Ang Papapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pahayag ng saloobin o emosyon sa paraang papataas ang antas nito.Halimbawa nito ay paghanga , pasinta , pagliyag , pagmamahal.
Sanaysay.Ang sanaysay ay Tuluyang kathaing naglalahad ng kaalaman ng kaalaman , kuro-juro, o damdamin sa isang maluwag , maguni-guni, pansarili, di-tapos, at di-ganap na pamamaraan.Mayroong tatlong elemento ang sanaysay,ito ay ang una,Paksa (Sentro ng ideya ng buong akda).Ikalawa,Tono ( Maaaring ang himig ay natutuwa , nasisiyahan, nagagalit , sarkastiko , naiinis , nahihiya at iba pa).At ang ikatlo ay ang Kaisipan( mensaheng gustong iparating sa mga mambabasa.)
Kaugnay nito ay ang Apat na uri ng Teksto ito ay ang Narativ o nagsasalaysay, Informativ o nagbibigay impormasyon, Persuasive o nanghihikayat,Argumentative o nagbibigay ng argumento.
Pamaksang Pangungusap .Ang Pamaksang Pangungusap ay nagbibigay ng pahiwatig tungkol saan ang pag-unawa sa talata.Ipinahahayag ito sa pamamagitan ng isang pangungusap na tuwirang natutukoy kung ano ang pag-uusapan sa buong talata.Halimbawa :Tayo ngayon ay nalalagay sa gitna ng krisis pampolitika at ang Patulong na Pangungusap.Ang Pantulong na Pangungusap ay ang mga pangungusap na nagbibigay paliwanag o detalye sa pamaksang pangungusap .Halimbawa:Ang ating mambabatas aynasasangkot sa katiwalian.Paraan ng pagbuo ng Pantulong na pangungusap:
> Paggamit ng impormasyong maaaring mapatotohanan.
> Paggamit ng estadistika o survey.
>Paggamit ng halimbawa.
Nagbigay din si Gng.Mixto ng mga gaawa at isa sa mga ito ay ang panonood ng isang Dokumentaryo at sagutin ang ilang mga katanungan patungkol dito.Bilang pagtatapos naman para sa ikatlong Markahan ay nagkaroon kami ng Pagsasanay para sa lahat ng aming mga tinalakay o napag-aralan.
Nagbigay din si Gng.Mixto ng mga gaawa at isa sa mga ito ay ang panonood ng isang Dokumentaryo at sagutin ang ilang mga katanungan patungkol dito.Bilang pagtatapos naman para sa ikatlong Markahan ay nagkaroon kami ng Pagsasanay para sa lahat ng aming mga tinalakay o napag-aralan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento