Bahagi ng Tulang
Elehiya Para kay Ram
Ni Pat V. Villafuerte
Kung
ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay
Di
mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat
simula’t simula pa’y pinatay ka na
Ng
matitigas na batong naraanan mo
Habang
nakamasid lamang
Ang
mga batang lansangang nakasama mo
Nang
maraming taon.
Silang
nangakalahad ang mga kamay
Silang
may tangang kahon ng kendi’t sigarilyo
Silang
may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo.
Sa
pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo
Bunga
ng maraming huwag at bawal dito
Sa
mga oras na nais mong itanong sa Diyos
Ang
maraming bakit at paano
Ay
nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping ikaw’y tao
At
tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo.
Buhay
na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili.
Buhay
na di mo matanggihan dahil nasa mga palad mo
Ang
pagsang-ayon, ang pagtango at pagtanggap
Bilang
bagong ama ng lima mong nakababatang kapatid.
KULTURA: Ang Pamana ng
Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan,
at Buhay ng
Kinabukasan
ni Pat V. Villafuerte
NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,
isang pagtahak sa matuwid na landas
upang marating ang paroroonan
gaano man ito kalapit, gaano man ito
kalayo
gaano man ito kakitid, gaano man ito
kalawak
kaunti man o marami ang mga paang
humahakbang
mabagal man o mabilis, pahintu-hinto
man o tuloy-tuloy
ang bawat paghakbang ay may
patutunguhan.
ang bawat paghakbang ay may
mararating.
ang bawat paghakbang ay may
pagsasakatuparan.
hindi na mabilang ang paghakbang na
naganap sa ating kasaysayan
paghakbang na pinuhunanan ng pawis,
dugo at luha
paghakbang na kinamulatan ng
maraming pagsubok,
pangamba at panganib
mula pa sa panahon ng kawalang-malay
hanggang sa panahon ng walang humpay
na pananakop,
digmaan at kasarinlan
at hanggang sa kontemporaryong
panahon ng makinasyon
sumibol ang kayraming kulturang
sinangkutsa sa ating diwa’t kamalayan
kulturang may ritmo ng pag-awit, may
kislot ng pagsayaw,
may haplos ng pag-aalay, may lambing
ng panunuyo
at tangis ng pamamaalam.
ito ang ating tinalunton, ito ang
bunga ng ating paghakbang:
ang kulturang ipinamana sa atin ng
nakaraan.
NGAYON, sa panahon ng pagkamulat at
maraming pagbabago,
binhing nakatanim ang maraming
kulturang
nag-uumapaw sa ating diwa
nagbabanyos sa ating damdamin
nag-aakyat sa ating kaluluwa
sinubok ng maraming taon
inalay sa mga bagong sibol ng
panahon
anumang kulay, anumang lahi, anumang
edad, anumang kasarian
ang kultura’y pinayayabong
nang may halong sigla at tuwa,
nang may kasalong pagsubok at
paghamon
kulturang sinusuyod ng kapuri-puring
ugali at marangal na kilos
kulturang inihahain ng pagsamba’t
prusisyon
kulturang sinasalamin ang pasko’t
pistang-bayan
kulturang pinaaawit ng pasyon at
pagsasabuhay ng Poon
kulturang patuloy na sumisibol at
ipinapupunla ng tradisyon:
pampamilya, pang-eskuwela,
pampolitika, panrehiyon at pambansa
na dinilig ng maraming pagpapaalala,
paggabay at patnubay
at pinayaman ng makukulay na
karanasan
kulturang inihain at tinanggap,
sinunod at isinakatuparan
ito ang regalo ng kultura
regalo ng kasalukuyan.
BUKAS, ang kulturang itinudla ng
nakaraan
at inireregalo ng kasalukuyan ay
bubuhayin ng kinabukasan
at mananatiling repleksyon ng
kabutihan
kulturang gagalang sa mga bata’t
matanda
kulturang rerespeto sa mga babae’t
may kapasanan
kulturang luluklok ng pagbabayanihan
at pagkakapatiran
kasaliw ng mga awiting bayan at
katutubong sayaw
katali ng pagsasadula’t
pagbabalagtasan
diwang marangal ang ipupunla.
kariringgan ng maraming wika
magkakapantay sa kalayaan at
karapatan
magsasama-sama, magkakapit-bisig,
magtutulung-tulungan
habang patuloy na humahakbang upang
galugarin pa
ang kulturang pagyayamanin ng ating
lahi
ng lahing magiting
ng lahing kapuri-puri
ng lahing marangal.
Ang Pagbabalik
ni Jose Corazon de
Jesus
Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan,
Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng
hagdan:
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay!
Nang sa tarangkahan, ako’y
makabagtas
Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka
agad!”
Ang sagot ko’y “Oo, hindi
magluluwat!”
Nakangiti akong luha’y nalaglag...
At ako’y umalis, tinunton ang
landas,
Nabiyak ang puso’t naiwan ang
kabiyak;
Lubog na ang araw, kalat na ang
dilim,
At ang buwan nama’y ibig nang
magningning:
Maka orasyon na noong aking datnin,
Ang pinagsadya kong malayang lupain:
Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking
pagdating.
Sa pinto ng naro’ong tahana’y
kumatok,
Pinatuloy ako ng magandang loob;
Kumain ng konti, natulog sa lungkot,
Ang puso kong tila ayaw nang
tumibok;
Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot,
Mamatay kung ako’y talaga nang
kulog!”
Nang kinabukasang magawak ang dilim,
Araw’y namimintanang mata’y nagniningning;
Sinimulan ko na ang dapat kong
gawin:
Ako’y nag-araro, naglinang,
nagtanim;
Nang magdidisyembre, tanim sa
kaingin,
Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.
At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat,
Mga bungang-kahoy, isang sakong
bigas;
Bulaklak na damo sa gilid ng landas,
Ay pinupol ko na’t panghandog sa
liyag;
Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak...
O, marahil ngayon, siya’y magagalak!
At ako’y lumakad, halos lakad takbo,
Sa may dakong ami’y meron pang
musiko,
Ang aming tahana’y masayang totoo
At nagkakagulo ang maraming tao...
“Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko,
“Nalalaman nila na darating ako.”
At ako’y tumuloy... pinto ng
mabuksan,
Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay;
Sa paligid-ligid ng irog kong
bangkay;
Mukha nakangiti at nang aking
hagkan;
Para pang sinabi “Irog ko, paalam!”
Sitti Nurhaliza:
Ginintuang Tinig at Puso ng Asya
ni Jan Henry M. Choa
Jr.
Isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa Asya si Sitti Nurhaliza mula sa bansang Malaysia. Nagkamit siya ng iba’t ibang parangal sa pag-awit hindi lamang sa kaniyang bansa kundi maging sa pang-internasyunal na patimpalak. Isa na rito ang titulong “Voice of Asia” nang makamit niya ang Grand Prix Champion mula sa Voice of Asia Singing Contest na ginanap sa Almaty, Kazakhstan.
Labing-anim
na taong gulang siya nang pumasok sa larangan ng pag-awit.
Dahil
sa likas na talento sa pag-awit, narating niya ang rurok ng tagumpay
bilang multiple-platinum selling artists sa Malaysia. Sinundan
ito ng mga di-mabilang na pagkilala mula sa mga prestihiyosong gawad-parangal
tulad ng MTV Asia, Channel V, Anugerah Juara Lagu Malaysia.
Hindi
lamang sa pag-awit nakilala si Sitti. Siya rin ay isang manunulat ng
awit, record producer, presenter o modelo at mangangalakal. Sa
katunayan, siya ay nagmamay-ari ng produktong Ctea, isang tsaa sa Malaysia.
Mayroon din siyang sariling production company, Sitti
Nurhaliza Production na nasa larangan ng entertainment.
Siya
rin ay itinuturing na isa sa pinakamaimpluwensyang tao at pinakamayamang
artista sa Malaysia.. Sa kabila ng pagiging sikat at mayaman ay hindi
nalilimutan ni Sitti Nurhaliza ang magkawanggawa. Nakikibahagi at nakikiisa
siya sa maraming gawaing-kawanggawa sa loob at labas ng Malaysia. Ito ay isa sa
maganda niyang katangian. Marunong siyang tumulong sa kaniyang kapuwa bilang
pagbabalik-biyaya sa kaniyang mga tinatamasa.
Tunay
na ipinagmamalaki si Sitti Nurhaliz ang kaniyang mga kababayan bilang Asyano na
may sadyang husay sa pagkanta at may natatanging kontribusyon sa larangan ng
musika. Ang kaniyang magandang tinig at mabuting kalooban bilang isang babaeng
Muslim na mang-aawit ay isa lamang sa mga katangiang nagugustuhan ng kaniyang
mga tagatangkilik. Isang idolo na may ginintuang tinig at ginintuang puso ng
Asya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento