Miyerkules, Pebrero 25, 2015

repleksyon para sa ika-anim na linggo




                            Si Crisostomo Ibarra bilang  mangingibig,kanyang mga banta at suliranin at bilang isang mapagmahal na anak.Natapos na ang ating pagkilala kay Crisostomo Ibarra bilang isa sa mga pangunahing tauhan ng nobela ni Rizal na Noli Me Tangere.Atin namin siyang kilalanin sa katauhan niya bilang mangingibig.
Si Crisostomo Ibarra  ay nakaranas ng iba’t ibang pagsubok sa kanyang pagmamahal  na kung ating susuriin ay masasabi kung mas pipiliin na lamang siguro ng  iba na nasa katayuan niya  na sumuko  ngunit iba si Ibarra pinili niyang maging tapat at ipaglaban ang kanilang pagmamahalan hanggat maari.Bilang banta at suliranin naman sa kanyang buhay .Sa pagsusumikap niya na ipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang ama at makamit ang katarungan nagkaroon siya  ng banta at suliranin sa kanyang buhay,isa na ditto ay ang pagnanais ni Padre Damaso  na mawala siya dahil si Ibarra ay isang  malaking hadlang sa kanyang mga hangarin at dulot narin ng kanyang  inggit .Bilang isang mapagmahal namang  anak  ay masasabi kong lubos niya itong nagampanan dahil kahit wala  na ang kanyang ama ay pinili niya paring gawin ang hindi nito natapos   at ng kanyang nalaman ang nangyari sa kanyang ama,kung paano ito nawala at noong bago ito mawala ay labis siyang nagsisi dahil habang siya ay nasa  europa at nagpapakasaya ay siya namang paghihirap ng kanyang ama sa kulungan sa kasalanang hindi naman nito  ginawa.(kabanata 5)
                            



Sabado, Pebrero 14, 2015

Repleksyon para sa ika-limang linggo ng ika-apat na markahan


                    Ang katauhan ni Crisostomo Ibarra.Si Crisostomo Ibarra ay isa sa mga pangunahing tauhan ng Nobela ni Rizal na Noli Me Tangere.Halos sa kanya umiikot  ang  ilang mga kabanata  dito kayat hinati-hati ng aming guro ang pagtatalakay sa bawat pangkat.Nakatutuwang isipin na sa linggong ito ay natapos namin ang bawat kabanatang patungkol sa kanya.Sa ginawang talakayan natuklasan ko ang iba’t ibang katauhan ni Ibarra.Ilan sa mga ito ay ang pagiging mapagmahal sa kanyang bayan dahil pinili nyang ipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang ama na magpatayo ng isang paaralan sa kabila ng nangyari sa kanyang ama.Mapagmahal din sya sa kanyang kasintahan na si Maria Clara dahil kahit anong hadlang ang ginawa sa kanilang pagmamahalan ay hindi bumitaw si Ibarra kay Mria Clara.Naipakita rin dito ang pagiging maawain niya dahil ninais nya na ipagamot si Sisa at tulungan itong hanapin ang kanyng nawawalaang anak.Isa rin siyang matapang dahil kahit alam niyang makasasama sa kanya ang pagtulong ay mas pinili nya itong gawin  at nanatiling matatag sa kabila ng mga paratang sa kanya  at paguusig.
                   Kaugnay nito,ang bawat kabanata na iniulat ng bawat pangkat ay kinakailangang isulat sa buong papel ang mahahalagang pangyayari sa tauhan nasi Ibarra at kung bakit ito mahalaga.Magkalaroon din sana kami ng isang pagsusulit patungkol  sa mga kabanata ngunit dahil sa ipinagdiriwang natin ang araw ng mga puso ay naatasaan kaming gumawa ng isang tula patungkol sa aming mga minamahal.

Lunes, Pebrero 9, 2015

Repleksyon para sa ika-apat na linggo ng talakayan sa ika-apat na markahan:)

                         Pagkilala sa mga tauhan.Nagsagawa ang  bawat pangkat ng “Parade of Characters”kung saan kinakailangng ang bawat meyembro ay gaganap sa isa sa mga taauhan ng Noli Me Tangere .Kanilng ipapakilala kung sino ang kanilang kinakatawan at sila ay kailangang  kumilos ng gaya sa nasabi nitong katangian.Maaari ring gawan  nila ito ng kaunting pagsasadula.Pagkatapos naming maisagawa ang Parade of Character ay samotsaring papuri ang natanggap ng bawat grupo sa aming guro.
                         Gayundin, nagkaroon kami ng talakayan patungkol sa mga tauhan , kung ano ang  knilang isinisimbola at kung kanino sila maiuugnay sa  buhaay ni Jose Riza.Upang maslalong palawagin ang kaugnayan ng mga tauhan at mas maintindihan ang kanilang mga ganpanin sa loob ng Nobela ay iniatas sa bawat pangkat na ipaliwanag ang bawat kabanata na may kaugnay sa mga tauhan .Para sa linggong ito ang kabanata na kinakailangang palawakin ng bawat pangkat ay patungkol kay Crisostoma Ibarra subalit dahil sa kulang na sa oras ay ang unang pangkat lamang ang nakapagpaliwanag.


Linggo, Pebrero 1, 2015

Repleksyon para sa ikatlong linggo ng ika-apat na markahan

                       Mga Tauhan ang siyang bumubuo at nagbibigay kulay sa isang istorya o nobela .Kaya't sa Nobelang isinulat ni Rizal na Noli  Me Tangere lahat ng Tauhan ay mahalaga at may sinasagisag.Bawat isa ay nagtataglay ng kanya kanyang katangian na ginagampanan at binibigyang buhay ,tulad nila: 
Crisostomo Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

Elias
Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.

Kapitan Tiyago
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.

Padre Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.

Maria Clara
Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso

Pilosopo Tasyo
Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

Sisa
Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.

Basilio at Crispin
Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

Alperes
Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego

Donya Victorina
Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.

Donya Consolacion
Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.

Don Tiburcio de Espadaña
Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

Linares
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

Don Filipo
Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang

Señor Nol Juan
Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

Lucas
Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.

Tarsilo at Bruno
Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.

Tiya Isabel
Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya Pia
Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.

Iday, Sinang, Victoria,at Andeng
Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan-Heneral 
Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Don Rafael Ibarra
Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.

Don Saturnino
Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.

Mang Pablo
Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

Kapitan Basilio
Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin

Tinyente Guevarra
Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Kapitana Maria
Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.

Padre Sibyla
Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Albino
Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.


                            Ngunit paano nga ba naisulat ni Rizal ang kanyang mga tauhan?Nalikha niya ito sa pamamagitan ng mga taong nakapalibot sa kanya at sa mga taong nakikita nyang nakapagbibigay ng inspirasyon  sa bawat isa.Nagkaroon din kami ng talakayan patungkol sa mga kabanata ng bawat tauhan at sa penikulang Jose Rizal .
                           Kaugnay nito tinalakay din namin ang  kinakatawan ng bawat tauhan sa Noli Me Tangere .Ilan sa mga ito ay sina 
Crisostomo  Ibarra  na  kumakatawan  kay  Jose Rizal, Maria  Clara  kay Leonor  na  naging kasintahan  ni  Jose  Rizal,Pilosopong  Tasyo  kay  Paciano  na  magaling  magpayo, Padre  Damaso  kay  Padre  Antonio  Piernavieja  kinapopootang  pari, Kapitan  Tiyago  kay Kapitan Hilario  Sunco  naging  sunod-sunuran sa  mga  Kastila,Donya  Consulacion at  Donya  Victorina  kay Donya  Agustina Medel  de  Coca  na  parehong  tinatakwil  ang  pagiging  Pilipino,  Basilio  at  Crispi  sa  magapatid  na Crrisostomo  na  parehong  nakaranas  ng  pagdurusa  sa buhay  at mga  Prayle  sa  mga Prasiskano  na  naging malupit sa  mga  Pilipino.