Sabado, Pebrero 14, 2015

Repleksyon para sa ika-limang linggo ng ika-apat na markahan


                    Ang katauhan ni Crisostomo Ibarra.Si Crisostomo Ibarra ay isa sa mga pangunahing tauhan ng Nobela ni Rizal na Noli Me Tangere.Halos sa kanya umiikot  ang  ilang mga kabanata  dito kayat hinati-hati ng aming guro ang pagtatalakay sa bawat pangkat.Nakatutuwang isipin na sa linggong ito ay natapos namin ang bawat kabanatang patungkol sa kanya.Sa ginawang talakayan natuklasan ko ang iba’t ibang katauhan ni Ibarra.Ilan sa mga ito ay ang pagiging mapagmahal sa kanyang bayan dahil pinili nyang ipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang ama na magpatayo ng isang paaralan sa kabila ng nangyari sa kanyang ama.Mapagmahal din sya sa kanyang kasintahan na si Maria Clara dahil kahit anong hadlang ang ginawa sa kanilang pagmamahalan ay hindi bumitaw si Ibarra kay Mria Clara.Naipakita rin dito ang pagiging maawain niya dahil ninais nya na ipagamot si Sisa at tulungan itong hanapin ang kanyng nawawalaang anak.Isa rin siyang matapang dahil kahit alam niyang makasasama sa kanya ang pagtulong ay mas pinili nya itong gawin  at nanatiling matatag sa kabila ng mga paratang sa kanya  at paguusig.
                   Kaugnay nito,ang bawat kabanata na iniulat ng bawat pangkat ay kinakailangang isulat sa buong papel ang mahahalagang pangyayari sa tauhan nasi Ibarra at kung bakit ito mahalaga.Magkalaroon din sana kami ng isang pagsusulit patungkol  sa mga kabanata ngunit dahil sa ipinagdiriwang natin ang araw ng mga puso ay naatasaan kaming gumawa ng isang tula patungkol sa aming mga minamahal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento