Lunes, Pebrero 9, 2015

Repleksyon para sa ika-apat na linggo ng talakayan sa ika-apat na markahan:)

                         Pagkilala sa mga tauhan.Nagsagawa ang  bawat pangkat ng “Parade of Characters”kung saan kinakailangng ang bawat meyembro ay gaganap sa isa sa mga taauhan ng Noli Me Tangere .Kanilng ipapakilala kung sino ang kanilang kinakatawan at sila ay kailangang  kumilos ng gaya sa nasabi nitong katangian.Maaari ring gawan  nila ito ng kaunting pagsasadula.Pagkatapos naming maisagawa ang Parade of Character ay samotsaring papuri ang natanggap ng bawat grupo sa aming guro.
                         Gayundin, nagkaroon kami ng talakayan patungkol sa mga tauhan , kung ano ang  knilang isinisimbola at kung kanino sila maiuugnay sa  buhaay ni Jose Riza.Upang maslalong palawagin ang kaugnayan ng mga tauhan at mas maintindihan ang kanilang mga ganpanin sa loob ng Nobela ay iniatas sa bawat pangkat na ipaliwanag ang bawat kabanata na may kaugnay sa mga tauhan .Para sa linggong ito ang kabanata na kinakailangang palawakin ng bawat pangkat ay patungkol kay Crisostoma Ibarra subalit dahil sa kulang na sa oras ay ang unang pangkat lamang ang nakapagpaliwanag.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento