Miyerkules, Pebrero 25, 2015

repleksyon para sa ika-anim na linggo




                            Si Crisostomo Ibarra bilang  mangingibig,kanyang mga banta at suliranin at bilang isang mapagmahal na anak.Natapos na ang ating pagkilala kay Crisostomo Ibarra bilang isa sa mga pangunahing tauhan ng nobela ni Rizal na Noli Me Tangere.Atin namin siyang kilalanin sa katauhan niya bilang mangingibig.
Si Crisostomo Ibarra  ay nakaranas ng iba’t ibang pagsubok sa kanyang pagmamahal  na kung ating susuriin ay masasabi kung mas pipiliin na lamang siguro ng  iba na nasa katayuan niya  na sumuko  ngunit iba si Ibarra pinili niyang maging tapat at ipaglaban ang kanilang pagmamahalan hanggat maari.Bilang banta at suliranin naman sa kanyang buhay .Sa pagsusumikap niya na ipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang ama at makamit ang katarungan nagkaroon siya  ng banta at suliranin sa kanyang buhay,isa na ditto ay ang pagnanais ni Padre Damaso  na mawala siya dahil si Ibarra ay isang  malaking hadlang sa kanyang mga hangarin at dulot narin ng kanyang  inggit .Bilang isang mapagmahal namang  anak  ay masasabi kong lubos niya itong nagampanan dahil kahit wala  na ang kanyang ama ay pinili niya paring gawin ang hindi nito natapos   at ng kanyang nalaman ang nangyari sa kanyang ama,kung paano ito nawala at noong bago ito mawala ay labis siyang nagsisi dahil habang siya ay nasa  europa at nagpapakasaya ay siya namang paghihirap ng kanyang ama sa kulungan sa kasalanang hindi naman nito  ginawa.(kabanata 5)
                            



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento