Martes, Disyembre 30, 2014

Repleksyon para sa ika-pitong linggo.

                          Ngayon ay ang ika-pitong linggo ng aming talakayan sa Filipino.Sa linggong ito,tinalakay naming muli ang akdang Ang Dalit kay Maria at Ang Eliheya para sa Kamatayan ng aking Kuya.Binasa din naming muli ang akdang Kung tuyo na ang lumuha ka aking Bayan at pinag-aralan ang bawat taludtod  sa tulong ni Bb.Basbas.Sa akdang ito aking natutunan ang hirap na dinaranas ng ating bayan at ang  pagbangon mula sa mga paghihirap na dinaranas.Tinalakay din namin ang pagpapasidhi ng damdamin mula sa pinaka mababang damdamin hanggang sa pinaka masidhing damdamin at nagbigay ng ilang pagsasanay.
                          Noong Biyernes naman ay pinagawa kami ni Bb Basbas ng Eliheya para sa isang kamag-anak na sundalong namatay sa pakikipagdigma sa Mindanao.Ito ay may tatlong saknong at apat na taludtod.

Sabado, Disyembre 13, 2014

Repleksyon para sa ika-amin na linggo ng aming talakayan

                              Ngayon ay ang ika-anim na linggo ng aming talakayan sa Asignaturang Filipino.Sa linggong ito dahil sa may inaasikasong importanteng bagay ang aming guro na si Gng.Mixto noong Miyerkules at huwebes ay nag iwan na lamang siya ng mga gawain na kinakailangan naming sagutan para sa aming mga huling tinalakay na Akda. Kasama rin sa iniwang gawain ay ang iba pang Akda na hindi pa natatalakay na sa amin ay pinapabasa muna .Noong Biyernes ay nakapagturo na sa amin si Gng.Mixto.Aming tinalakay ang mga akdang Elehiya para sa kamatayan ng aking kuya,Ang Dalit kay Maria at Kung tuyo na ang luha mo aking Bayan.
                             Kaugnay nito tinalakay din namin ang pagkakaiba ng Elehiya,Dalit at Oda.Natuklasan ko na may ibat iba palang uri ng tula at ilan sa mga ito ay ang sumusunod.Ang Elehiya ay tulang liriko naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni na nagpapakita ng masidhing damdamin tungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay .Ang Dalit naman ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig sa bawat taludtud sa bawat saknong at may isahang tugmaan at  ang Oda ay pandamdamin na pumupuri sa isang dakilang gawain ng tao.  

Sabado, Disyembre 6, 2014

Repleksyon para sa ika-limang linggo ng aming talakayan



              Ngayong  ay ang ika-limang linggo ng  aming tinalakay sa Asignaturang Flipino .Para sa linggong ito,aming muling tinalakay ang Parabula ng Banga upang mas lalong mabigyang linaw ang bawat isa lalo na yung mga wala ng araw na tinalakay ito.Nagkaroon din kami ng pagsusulit patungkol sa Metaporikal. Ang Metaporikal ay ang pagbibigay ng kahulugan maliban sa literal nitong kahulugan ..Bilang Indibidwal naming Gawain,kinakailangan naming lumikha ng sariling parabula patungkol sa mga kagamitan sa paaralan partikular na sa mga estudyante .
                Kaugnay nito,aming tinalakay ang Elehiya  sa kamatayan ng aking kapatid na isinalin sa Filipino ni Teresita F. Laxima.Ito ay patungkol sa kanyang kuya na namatay dahil sa sakit na dapat sana’y hindi pa mangyayari dahil hindi pa panahon,marami pa itong panagarap na kailangang gawin at pagmamahal na hindi pa naipapadama  sa kanya ngunit kailanman ay hindi na matutupad at mangyayari. Kaya’t aking natutunan sa Elehiyang ito na kug may nais kang iparamdam sa iyong mga mahal sa buhay ay iparamdam o gawin muna dahil hindi natin alam kung ano ba ang mga susunod na mangyayari .

Sabado, Nobyembre 29, 2014

Repleksyon para sa ika-apat ng linggo ng Ikatlong Markahan

            Ngayon ay ang ika-apat na linggo ng aming talakayan sa Assignaturang Filipino.Sa linggong ito umikot ang aming talakayan patungkol sa Parabula at iba't ibang akda na may kaugnayan dito.Ang Parabula ay nagsasaad ng ng dalawang bagay na maaaring tao,hayop o bagay.,halimbawa ng Parabula ay ang iba't ibang uri ng talinghaga.Ang Talinghaga ay pagnugnusap,parirala o isang sanaysay na may malalim o hindi tuwirang katuturan na kinakailangang pag isipang mabuti upang maunawaan.Ilan sa halimbawa ng talinghaga na aming tinalakay para sa linggong ito ay ang manggagawa  ng ubasan(Mateo 20:1-16 ) na hango sa Bagong Tipan.Upang malaman kung amin itong lubusang naintindihan ay nagbigay si Gng.Mixto ng Pangkatang Gawain patungkol dito.Ang among gagawin sa aming pangkatang gawain ay aming ibibigay ang literal na kahulugan,simbolo at espirituwal na kahulugan sa bawat salita na ibinigay na may kaugnayan sa aming binasang akda.Ako'y natutuwa dahhil ang aming Pangkat ang nakakuha ng mataas na puntos (Pangkat 2).Isa pa sa aming binasa ay ang  Parabula ng Banga.

             Para sa linggong ito,natutunan ko ang pagakaiba ng Pabula sa Parabula.Kapag sinasabing Pabula,ito ang mga kwentong ginagampanan ng hayop,samantalang kapag sinabing Parabula,ito ang mga kwentong ginagampanan ng tao at kadalasang hango sa Bibliya.

Biyernes, Nobyembre 21, 2014

Repleksyon para sa ikatlong linggo ng ikatlong markahan



                        Ngayong linggong ito ay ang ikatlong lingo n gaming talakayan sa Assignaturang  Filipino.Aming muling binalikan ang aming aralin patungkol sa paghahambing upang mas lalo itong maunawaan ng bawat isa sa amin.Dagdag  pa riyan,pinaalala sa amin ni Gng.Mixto ang aming proyekto patungkol sa ilustrado ,kung ano ang dapat naming gawin dito at kailangan din itong ipasa sa lunes.Pinaalala niya rin sa amin ang aming gagawing Movie Trailer at ang isa pa naming proyekto.Ito ay patungkol sa pagpili ng isang epiko sa alinmang bansa sa Timog-Kanlurang Asya at kinakailagan naming gayahin ang mga tauhan tauhan sa epikong ito at banggitin ang kanilang mga katangian.Tungkol naman sa aming aralin sa paghahambing ay nagbigay ng ilang pagsasanay sa Gng.Mixto kabilang na dito ay ang paghahambing sa dalawang pelikulang aming napanuod na may pagkakatulad at di-pagkakatulad,kinakailangang gamitin ang iba’t ibang paghahambing .
                          Kaugnay nito,muli naming binalikan ang aming  mga nakalipas na aralin upang alamin kung saang aralin kami nahirapan at bakit?Kung  ako ang tatanungin,masasabi kong walang aralin na ako’y nahirapan sapagkat ang lahat ng ito ay ipinaliwanag ng mabuti sa amin kaya’t ito’y agad kong naunawaan .Para naman sa pagtatapos ng aming aralin patungkol sa timog-kanlurang asya  sinagutan namin ang Pokus na Tanong.Ang akin naming  natutunan  sa buong Aralin patungkol sa timog-kanlurang asya partikular na sa kanilang epiko ay madalas ang kanilang ginagawang epiko ay naglalaman at naglalarawan sa kanilang kultura,kung anong klasing kaugalian o tradisyon ang mayroon sila.  

Huwebes, Nobyembre 13, 2014

Repleksyon sa ikalawang linggo ng aming talakayan para sa Ikatlong Markahan



            Ngayong linggong ito ng aming talakayan sa Assignaturang Filipino, ang aming tinalakay ay patungkol sa Paghahambing.Si Bb.Basbas ang aming nagging guro para sa linggong  ito bilang halili ni Gng.Mixto dahil siya ay may inaasikasong  importanteng bagay ngunit dahil sa namamaos si Bb.Basbas,pansamantalang pinalitan siya ng isa sa aming kamag-aral para magturo sa amin sa tulong parin ni Bb.Basbas.

               Nagkaroon kami ng pangkatang Gawain at ilang pagsasanay upang malaman kung gaano karami ang aming  natutunan sa aming mga tinalakay.Sa aming mga tinalakay tungkol sa paghahambing  natutunan ko na ang paghahambing ay mahalaga sa bawat pangungusap lalo na’t kung ikaw ay nagkukumpara sa isang bagay o tao dahil binibigyang linaw nito ang iyong pinagkukumpara.Kung minsan ang paghahambing ay ginagamit upang maging malinaw kung sino o ano nga ba ang mas nagigibabaw at kung minsan naman ay ginagamit ang paghahambing upang pagkumparahin  ang bagay o tao sa kanilang pagkakatulad at pagkakaiba.Mayroong mga salitang naghahambing na nakapagbibigay ng positibong pagkukumpara at  salitang naghahambing na nakapagbibigay ng negatibong pagkukumpara.

Sabado, Nobyembre 8, 2014

Repleksyon sa unang linggo ng aming talakayan sa Ikatlong Markahan

        Ang Aking Repleksyon…..
               
              Ngayong buong linggo ng aming talakayan sa Asignaturang Filipino,ang aming mga tinalakay ay kung paano gumawa ng isang Movie Trailer at ang isang kabanata ng Rama at Sita .Sa aming pag-aaral patungkol sa paggawa ng Movie Trailer,ibinahagi at tinalakay ni Gng.Mixto ang mga dapat na mayroon ang isang Movie Trailer at kung ano ang mga tawag sa mga Camera Shuts  at ang mga paghahanda  sa paggawa upang sa gayon ay magkaroon kami ng kaalaman sa paglikha ng isang Movie Trailer sapagkat magkakaroon ang ngb proyekto ang bawat pangkat na kinakailangang gumawa ng isang Movie Trailer patungkol sa kultura ng bansa sa Timog-Kanlurang Asya .

                    Sa pagsisimula naman ng aming talakayan sa mga bansa sa timog-kanlurang asya partikular na sa bansang India ay mayroong mga pangungusap na kinakailangan naming mahulaan ang tinutukoy ng mga ito.Pagkatapos ay binasa naming ang isang kabanata ng Rama at Sita . Ang Rama at Sita ay sinasalamin ang ilang kultura ng bansang India at ito ay isang uri ng epiko.Ang epiko ay tumutukoy sa kabayanihan ng tauhan.Pagkatapos ko mabasa ang Isang Kabanata ng Rama at Sita ay natutunan ko na kahit anong mangyari at mga hadlang ang dumating sa inyo bastat kayo ay puno ng pagmamahalan sa isa’t isa ,malalagpasan nyo ito.

Lunes, Nobyembre 3, 2014

akda sa ikatlong markahan



  Epiko: Rama At Sita (Isang kabanata )
                             
  Epiko - Hindu ( India)
(Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva)


Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam, nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na hari ng mga higante at demonyo. “ Gusto kitang maging asawa”, sabi nito kay Rama. “ Hindi maaari sabi ni Rama, “ may asawa na ako”Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka.Nagselos nang husto si Surpanaka. Sa galit ay bigla siyang naging higante. Nilundag niya si Sita para patayin. Pero mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at agad silang nakalayo kay Surpanaka, siya namang pagdating ni Lakshamanan.
“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kanyang espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “Sino ang may gawa nito?”, sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid. Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae. Nang pilitin daw niya, tinagpas ng isang prinsipe ang kanyang ilong at tenga.“Tulungan mo ako, Ravana,” sabi pa nito.”Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.” Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng kapatid. Pumayag siyang ipaghiganti ito.
Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili sa kahit anong anyo at hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang magkakalaban, tumanggi itong tumulong. “Kakampi nila ang mga Diyos.”, Sabi ni Maritsa.
“Kailangan umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi masasaktan sina Rama.” Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng patibong para maagaw nila si Sita.Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa. Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng mamahaling bato ang sungay.” Baka higante rin iyan,” paalala ni Lakshamanan. Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kanyang pana at busog. “ Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid. Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama. Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita. “ Bilis! Habulin mo ang gintong usa!”
Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit ni Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. Hindi, kailangan kitang bantayan,”sabi nito. Ilang oras pa silang naghintay nang bigla silang nakarinig ng isang malakas na sigaw. Napaiyak si Sita sa takot pero ayaw pa ring umalis si Lakshamanan kaya nagalit si Sita.” Siguro gusto mong mamatay si Rama para ikaw ang maging hari.” sabi nitokay Lakshamanan. Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para patunayang mahal niya ang kapatid, agad siyang sumunod sa gubat. Wala silang kamalay-malay na sa labas ay naghihintay si Ravana.
Sa gubat, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa. Nagpanggap naman si Ravana na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot ng kulay kahel na roba at humingi siya ng tubig kay Sita. Hindi nakapagpigil si Ravana. “Bibigyang kita ng limang libong alipin at gagawin kitang reyna ng Lanka,” sabi ni Ravana. Natakot si Sita at nabitiwan ang hawak na banga!
Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karwaheng hila ng mga kabayong may malalapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si Sita pero wala siyang magawa. Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak sa kanyang buhok. Nagdasal siya na sana ay makita iyon ni Rama para masundan siya at mailigtas.
Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni Sita. Hinabol ng ibon ang karwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at duguan itong bumagsak sa lupa.
Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunog ng magkapatid ang bangkay ng agila.Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang hari ng mga higante sa Lanka. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.” Sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.
Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero mas maraming higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang naglaban.
Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng mga higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang patay ang kanilang pinuno. Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling nagsama nang maligaya.