Sabado, Nobyembre 8, 2014

Repleksyon sa unang linggo ng aming talakayan sa Ikatlong Markahan

        Ang Aking Repleksyon…..
               
              Ngayong buong linggo ng aming talakayan sa Asignaturang Filipino,ang aming mga tinalakay ay kung paano gumawa ng isang Movie Trailer at ang isang kabanata ng Rama at Sita .Sa aming pag-aaral patungkol sa paggawa ng Movie Trailer,ibinahagi at tinalakay ni Gng.Mixto ang mga dapat na mayroon ang isang Movie Trailer at kung ano ang mga tawag sa mga Camera Shuts  at ang mga paghahanda  sa paggawa upang sa gayon ay magkaroon kami ng kaalaman sa paglikha ng isang Movie Trailer sapagkat magkakaroon ang ngb proyekto ang bawat pangkat na kinakailangang gumawa ng isang Movie Trailer patungkol sa kultura ng bansa sa Timog-Kanlurang Asya .

                    Sa pagsisimula naman ng aming talakayan sa mga bansa sa timog-kanlurang asya partikular na sa bansang India ay mayroong mga pangungusap na kinakailangan naming mahulaan ang tinutukoy ng mga ito.Pagkatapos ay binasa naming ang isang kabanata ng Rama at Sita . Ang Rama at Sita ay sinasalamin ang ilang kultura ng bansang India at ito ay isang uri ng epiko.Ang epiko ay tumutukoy sa kabayanihan ng tauhan.Pagkatapos ko mabasa ang Isang Kabanata ng Rama at Sita ay natutunan ko na kahit anong mangyari at mga hadlang ang dumating sa inyo bastat kayo ay puno ng pagmamahalan sa isa’t isa ,malalagpasan nyo ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento