Ngayon ay ang ika-apat na linggo ng aming talakayan sa Assignaturang Filipino.Sa linggong ito umikot ang aming talakayan patungkol sa Parabula at iba't ibang akda na may kaugnayan dito.Ang Parabula ay nagsasaad ng ng dalawang bagay na maaaring tao,hayop o bagay.,halimbawa ng Parabula ay ang iba't ibang uri ng talinghaga.Ang Talinghaga ay pagnugnusap,parirala o isang sanaysay na may malalim o hindi tuwirang katuturan na kinakailangang pag isipang mabuti upang maunawaan.Ilan sa halimbawa ng talinghaga na aming tinalakay para sa linggong ito ay ang manggagawa ng ubasan(Mateo 20:1-16 ) na hango sa Bagong Tipan.Upang malaman kung amin itong lubusang naintindihan ay nagbigay si Gng.Mixto ng Pangkatang Gawain patungkol dito.Ang among gagawin sa aming pangkatang gawain ay aming ibibigay ang literal na kahulugan,simbolo at espirituwal na kahulugan sa bawat salita na ibinigay na may kaugnayan sa aming binasang akda.Ako'y natutuwa dahhil ang aming Pangkat ang nakakuha ng mataas na puntos (Pangkat 2).Isa pa sa aming binasa ay ang Parabula ng Banga.
Para sa linggong ito,natutunan ko ang pagakaiba ng Pabula sa Parabula.Kapag sinasabing Pabula,ito ang mga kwentong ginagampanan ng hayop,samantalang kapag sinabing Parabula,ito ang mga kwentong ginagampanan ng tao at kadalasang hango sa Bibliya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento