Biyernes, Nobyembre 21, 2014

Repleksyon para sa ikatlong linggo ng ikatlong markahan



                        Ngayong linggong ito ay ang ikatlong lingo n gaming talakayan sa Assignaturang  Filipino.Aming muling binalikan ang aming aralin patungkol sa paghahambing upang mas lalo itong maunawaan ng bawat isa sa amin.Dagdag  pa riyan,pinaalala sa amin ni Gng.Mixto ang aming proyekto patungkol sa ilustrado ,kung ano ang dapat naming gawin dito at kailangan din itong ipasa sa lunes.Pinaalala niya rin sa amin ang aming gagawing Movie Trailer at ang isa pa naming proyekto.Ito ay patungkol sa pagpili ng isang epiko sa alinmang bansa sa Timog-Kanlurang Asya at kinakailagan naming gayahin ang mga tauhan tauhan sa epikong ito at banggitin ang kanilang mga katangian.Tungkol naman sa aming aralin sa paghahambing ay nagbigay ng ilang pagsasanay sa Gng.Mixto kabilang na dito ay ang paghahambing sa dalawang pelikulang aming napanuod na may pagkakatulad at di-pagkakatulad,kinakailangang gamitin ang iba’t ibang paghahambing .
                          Kaugnay nito,muli naming binalikan ang aming  mga nakalipas na aralin upang alamin kung saang aralin kami nahirapan at bakit?Kung  ako ang tatanungin,masasabi kong walang aralin na ako’y nahirapan sapagkat ang lahat ng ito ay ipinaliwanag ng mabuti sa amin kaya’t ito’y agad kong naunawaan .Para naman sa pagtatapos ng aming aralin patungkol sa timog-kanlurang asya  sinagutan namin ang Pokus na Tanong.Ang akin naming  natutunan  sa buong Aralin patungkol sa timog-kanlurang asya partikular na sa kanilang epiko ay madalas ang kanilang ginagawang epiko ay naglalaman at naglalarawan sa kanilang kultura,kung anong klasing kaugalian o tradisyon ang mayroon sila.  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento