Huwebes, Nobyembre 13, 2014

Repleksyon sa ikalawang linggo ng aming talakayan para sa Ikatlong Markahan



            Ngayong linggong ito ng aming talakayan sa Assignaturang Filipino, ang aming tinalakay ay patungkol sa Paghahambing.Si Bb.Basbas ang aming nagging guro para sa linggong  ito bilang halili ni Gng.Mixto dahil siya ay may inaasikasong  importanteng bagay ngunit dahil sa namamaos si Bb.Basbas,pansamantalang pinalitan siya ng isa sa aming kamag-aral para magturo sa amin sa tulong parin ni Bb.Basbas.

               Nagkaroon kami ng pangkatang Gawain at ilang pagsasanay upang malaman kung gaano karami ang aming  natutunan sa aming mga tinalakay.Sa aming mga tinalakay tungkol sa paghahambing  natutunan ko na ang paghahambing ay mahalaga sa bawat pangungusap lalo na’t kung ikaw ay nagkukumpara sa isang bagay o tao dahil binibigyang linaw nito ang iyong pinagkukumpara.Kung minsan ang paghahambing ay ginagamit upang maging malinaw kung sino o ano nga ba ang mas nagigibabaw at kung minsan naman ay ginagamit ang paghahambing upang pagkumparahin  ang bagay o tao sa kanilang pagkakatulad at pagkakaiba.Mayroong mga salitang naghahambing na nakapagbibigay ng positibong pagkukumpara at  salitang naghahambing na nakapagbibigay ng negatibong pagkukumpara.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento