PAGBIBIGAY KAPANGYARIHAN SA
KABABAIHANG PILIPINO SA PAMAMAGITAN NG ESTADISTIKANG KASARIAN
“Babae,
pasakop kayo sa inyu-inyong asawa.” Isang pahayag na hinango sa Bibliya at
naging panuntunan ng balana dito sa daigdig sa lahat ng panahon.
Lahat ng
bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente dito sa mundo.
Ang dating
kimi at tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi
na matanggap ang dinaranas na kaapihan. Kanyang ipinaglaban ang sariling
karapatan upang makapagpasiya sa sarili. Lakas-loob din niyang hiningi ang
karapatang maisatinig ang matagal nang nahimbing na pagnanasang maging katuwang
hindi lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng lipunan para sa isang
maunlad, matahimik at kaaya-ayang kinabukasan.
Sa ngayon,
ang mga kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan. Di man ito maituturing
na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang pantahanan na pawang mga kababaihan
ang nagiging biktima, idagdag pa ang sexual harassment na araw-araw ay daing ng
mga di-mabilang na kababaihan na nadaragdag sa mga suliraning pambasa.
Ang babae
ay katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga
pinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”. Sila’y karamay sa suliranin at
kaagapay sa mga pagkakataong dumarating ang mga pangyayaring nagdudulot ng pait
sa bawat miyembro ng pamilya.
Marami na
ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigay-proteksyon sa mga kababaihan.
Ilan sa mga ito ay Gabriela,
Tigil-Bugbog Hotline at marami pang iba. Patuloy ang mga samahang ito sa
pakikibaka upang sugpuin nang tuluyan ang patuloy na pagpapakita ng
diskriminasyon at sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at
magkaroon ng kamulatan ang mga kababaihan sa mga karapatang dapat nilang
ipakipaglaban.
Tunay na
ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng
bayan sa kinabukasan sa lahat ng panahon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento