Lunes, Setyembre 29, 2014

Paboritong Guro :)

Guro, Pinsasalamatan kita J
Tulang pasasalamat na isinulat ni : Cindy M. Espinas
Para kay : Ginoong Fernando P. Timbal
  Paborito mo ba ang asignaturang Agham ? Yung tipong kapag oras na ng asignaturang ito , ay todo tingin at todo kinig ka sa gurong nagtuturo o ikaw yung tipong kapag Science na ang susunod na asignatura ay mas gusto mo na lamang na gawin ang mga takdang aralin o gawain sa ibang asignatura ? Alin ka man sa mga ito ay paniguradong kapag narinig mo ang pangalan ng gurong ito ay mas pipiliin mo pang makinig kaysa gumawa ng kung ano ano .
           Siya ay kilala bilang isa sa mga pinakamahuhusay magturo sa larangan ng asignaturang Science . Kapag siya ang magtuturo ay kailangang ang lahat ay nakapokus at nakikinig dahil kung hindi , bengga ka sa mga itatanong niya sa iyo . Siya yung tipo ng guro na kapag hindi mo na maintindihan ay uulit ulitin nya itong ituro, ayaw nya na kapag mag uulat ka ay basta makapag ulat ka lang at samahan mo pa ng visual na simpleng manila paper lang at napakahaba pa ng sulat. Sinasabi ko sayo, mapupunit yan. Siya yung gurong strikto pero dahil doon ay matututo ka . Kilala mo na ba sya ?
        Siya si Mr. Fernando P. Timbal , guro sa ikawalong baitang ,may pagka strikto pero masiyahin. Gurong isniisip ang kanyang mga estudyante at pinahahalagahan. Todo suporta sa mga bagay o gawain lalo na kung usapang pampaaralan, handang dumamay at palakasin ang iyong loob sa oras na nawawalan ka na ng pag asa. Tinuro nya kung paano maging mas mabuting estudyante at harapin ang mga maling bagay na iyong nagawa at pahalagahan ang nararamdaman ng bawat isa.

       Kayat ngayong araw ng mga guro , nais kong magpasalamat sa kanya. Sa lahat ng bagay na itinuro upang kami ay matuto , sa paggabay at  pagtulong hanggang sa ngayon kahit hindi na sya ang aming guro.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento