Ponema - ang pinakamaliit na unit
ng makabuluhang tunog.
0Ang
pag-aaral ng ponema ay binubuo ng segmental at
suprasegmental.
Segmental = ay ang tunay na tunog at ang
bawat tunog ay
kinakatawanan ng isang titik sa
ating alpabato.
Suprasegmental = ay ang
pag-aaral ng ng diin (Stress), tono
(tune), haba (lengthening)
at hinto
(Juncture).
2 Sa
pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon
ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental
o ng mga haba, diin, tono at hintosa pagbibigkas at
pagsasalita.
1. Haba
* ito ay ang
pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat
pantig.
* maaaring
gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.
* mga halimbawa
ng salita:
bu.kas =
nangangahulugang susunod na araw
bukas = hindi
sarado
2. Diin
*tumutukoy
ito sa lakas ng pagbigkas s isangpantig ng salitng
binibigkas.
*maaring
gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
*Mga
halimbawa ng salita:
BU:hay = kapalaran ng tao
bu:HAY = humihinga pa
LA:mang = natatangi
la:MANG = nakahihigit; nangunguna
3. Tono
* nagpalilinaw
ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap
* Tulad
ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at
mataas na tono.
* maaaring
gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg.
3 sa mataas.
* halimbawa
ng salita:
Kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay
talaga = 213, pag-aalinlangan
talaga = 231, pagpapatibay
4. Hinto
*ito
ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensahe.
*maaring
gumamit ng simbolo kuwit( , ), dalawang guhit na pahilis ( // )
o gitling ( - )
* mga
halimbawa ng salita:
Hindi, siya ang kababata ko.
Hindi siya ang kababata ko.
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento