Ngayon ay ang ika-apat na linggo ng aming talakayan sa Assignaturang Filipino.Sa linggong ito umikot ang aming talakayan patungkol sa Parabula at iba't ibang akda na may kaugnayan dito.Ang Parabula ay nagsasaad ng ng dalawang bagay na maaaring tao,hayop o bagay.,halimbawa ng Parabula ay ang iba't ibang uri ng talinghaga.Ang Talinghaga ay pagnugnusap,parirala o isang sanaysay na may malalim o hindi tuwirang katuturan na kinakailangang pag isipang mabuti upang maunawaan.Ilan sa halimbawa ng talinghaga na aming tinalakay para sa linggong ito ay ang manggagawa ng ubasan(Mateo 20:1-16 ) na hango sa Bagong Tipan.Upang malaman kung amin itong lubusang naintindihan ay nagbigay si Gng.Mixto ng Pangkatang Gawain patungkol dito.Ang among gagawin sa aming pangkatang gawain ay aming ibibigay ang literal na kahulugan,simbolo at espirituwal na kahulugan sa bawat salita na ibinigay na may kaugnayan sa aming binasang akda.Ako'y natutuwa dahhil ang aming Pangkat ang nakakuha ng mataas na puntos (Pangkat 2).Isa pa sa aming binasa ay ang Parabula ng Banga.
Para sa linggong ito,natutunan ko ang pagakaiba ng Pabula sa Parabula.Kapag sinasabing Pabula,ito ang mga kwentong ginagampanan ng hayop,samantalang kapag sinabing Parabula,ito ang mga kwentong ginagampanan ng tao at kadalasang hango sa Bibliya.
Sabado, Nobyembre 29, 2014
Biyernes, Nobyembre 21, 2014
Repleksyon para sa ikatlong linggo ng ikatlong markahan
Ngayong linggong ito ay
ang ikatlong lingo n gaming talakayan sa Assignaturang Filipino.Aming muling binalikan ang aming
aralin patungkol sa paghahambing upang mas lalo itong maunawaan ng bawat isa sa
amin.Dagdag pa riyan,pinaalala sa amin
ni Gng.Mixto ang aming proyekto patungkol sa ilustrado ,kung ano ang dapat
naming gawin dito at kailangan din itong ipasa sa lunes.Pinaalala niya rin sa
amin ang aming gagawing Movie Trailer at ang isa pa naming proyekto.Ito ay patungkol
sa pagpili ng isang epiko sa alinmang bansa sa Timog-Kanlurang Asya at
kinakailagan naming gayahin ang mga tauhan tauhan sa epikong ito at banggitin
ang kanilang mga katangian.Tungkol naman sa aming aralin sa paghahambing ay
nagbigay ng ilang pagsasanay sa Gng.Mixto kabilang na dito ay ang paghahambing
sa dalawang pelikulang aming napanuod na may pagkakatulad at
di-pagkakatulad,kinakailangang gamitin ang iba’t ibang paghahambing .
Kaugnay nito,muli naming binalikan ang aming mga nakalipas na aralin upang alamin kung saang aralin kami nahirapan at bakit?Kung ako ang tatanungin,masasabi kong walang aralin na ako’y nahirapan sapagkat ang lahat ng ito ay ipinaliwanag ng mabuti sa amin kaya’t ito’y agad kong naunawaan .Para naman sa pagtatapos ng aming aralin patungkol sa timog-kanlurang asya sinagutan namin ang Pokus na Tanong.Ang akin naming natutunan sa buong Aralin patungkol sa timog-kanlurang asya partikular na sa kanilang epiko ay madalas ang kanilang ginagawang epiko ay naglalaman at naglalarawan sa kanilang kultura,kung anong klasing kaugalian o tradisyon ang mayroon sila.

Huwebes, Nobyembre 13, 2014
Repleksyon sa ikalawang linggo ng aming talakayan para sa Ikatlong Markahan
Ngayong
linggong ito ng aming talakayan sa Assignaturang Filipino, ang aming tinalakay
ay patungkol sa Paghahambing.Si Bb.Basbas ang aming nagging guro para sa linggong
ito bilang halili ni Gng.Mixto dahil
siya ay may inaasikasong importanteng
bagay ngunit dahil sa namamaos si Bb.Basbas,pansamantalang pinalitan siya ng
isa sa aming kamag-aral para magturo sa amin sa tulong parin ni Bb.Basbas.
Nagkaroon kami ng pangkatang Gawain at ilang
pagsasanay upang malaman kung gaano karami ang aming natutunan sa aming mga tinalakay.Sa aming mga
tinalakay tungkol sa paghahambing natutunan
ko na ang paghahambing ay mahalaga sa bawat pangungusap lalo na’t kung ikaw ay
nagkukumpara sa isang bagay o tao dahil binibigyang linaw nito ang iyong
pinagkukumpara.Kung minsan ang paghahambing ay ginagamit upang maging malinaw
kung sino o ano nga ba ang mas nagigibabaw at kung minsan naman ay ginagamit
ang paghahambing upang pagkumparahin ang
bagay o tao sa kanilang pagkakatulad at pagkakaiba.Mayroong mga salitang naghahambing
na nakapagbibigay ng positibong pagkukumpara at salitang naghahambing na nakapagbibigay ng
negatibong pagkukumpara.
Sabado, Nobyembre 8, 2014
Repleksyon sa unang linggo ng aming talakayan sa Ikatlong Markahan
Ang Aking Repleksyon…..
Ngayong buong linggo ng aming talakayan
sa Asignaturang Filipino,ang aming mga tinalakay ay kung paano gumawa ng isang
Movie Trailer at ang isang kabanata ng Rama at Sita .Sa aming pag-aaral
patungkol sa paggawa ng Movie Trailer,ibinahagi at tinalakay ni Gng.Mixto ang
mga dapat na mayroon ang isang Movie Trailer at kung ano ang mga tawag sa mga
Camera Shuts at ang mga paghahanda sa paggawa upang sa gayon ay magkaroon kami
ng kaalaman sa paglikha ng isang Movie Trailer sapagkat magkakaroon ang ngb
proyekto ang bawat pangkat na kinakailangang gumawa ng isang Movie Trailer
patungkol sa kultura ng bansa sa Timog-Kanlurang Asya .
Sa pagsisimula naman ng
aming talakayan sa mga bansa sa timog-kanlurang asya partikular na sa bansang
India ay mayroong mga pangungusap na kinakailangan naming mahulaan ang
tinutukoy ng mga ito.Pagkatapos ay binasa naming ang isang kabanata ng Rama at
Sita . Ang Rama at Sita ay sinasalamin ang ilang kultura ng bansang India at
ito ay isang uri ng epiko.Ang epiko ay tumutukoy sa kabayanihan ng
tauhan.Pagkatapos ko mabasa ang Isang Kabanata ng Rama at Sita ay natutunan ko
na kahit anong mangyari at mga hadlang ang dumating sa inyo bastat kayo ay puno
ng pagmamahalan sa isa’t isa ,malalagpasan nyo ito.
Lunes, Nobyembre 3, 2014
akda sa ikatlong markahan
Epiko: Rama At Sita (Isang kabanata )
(Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva)
Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang
ipatapon sila mula sa kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa
kanila. Hindi nila alam, nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka,
ang kapatid ni Ravana, na hari ng mga higante at demonyo. “ Gusto kitang maging
asawa”, sabi nito kay Rama. “ Hindi maaari sabi ni Rama, “ may asawa na
ako”Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa
harap ni Surpanaka.Nagselos nang husto si Surpanaka. Sa galit ay bigla siyang
naging higante. Nilundag niya si Sita para patayin. Pero mabilis na nayakap ni
Rama ang asawa at agad silang nakalayo kay Surpanaka, siya namang pagdating ni
Lakshamanan.
“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kanyang espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “Sino ang may gawa nito?”, sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid. Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae. Nang pilitin daw niya, tinagpas ng isang prinsipe ang kanyang ilong at tenga.“Tulungan mo ako, Ravana,” sabi pa nito.”Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.” Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng kapatid. Pumayag siyang ipaghiganti ito.
Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili sa kahit anong anyo at hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang magkakalaban, tumanggi itong tumulong. “Kakampi nila ang mga Diyos.”, Sabi ni Maritsa.
“Kailangan umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi masasaktan sina Rama.” Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng patibong para maagaw nila si Sita.Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa. Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng mamahaling bato ang sungay.” Baka higante rin iyan,” paalala ni Lakshamanan. Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kanyang pana at busog. “ Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid. Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama. Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita. “ Bilis! Habulin mo ang gintong usa!”
Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit ni Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. Hindi, kailangan kitang bantayan,”sabi nito. Ilang oras pa silang naghintay nang bigla silang nakarinig ng isang malakas na sigaw. Napaiyak si Sita sa takot pero ayaw pa ring umalis si Lakshamanan kaya nagalit si Sita.” Siguro gusto mong mamatay si Rama para ikaw ang maging hari.” sabi nitokay Lakshamanan. Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para patunayang mahal niya ang kapatid, agad siyang sumunod sa gubat. Wala silang kamalay-malay na sa labas ay naghihintay si Ravana.
Sa gubat, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa. Nagpanggap naman si Ravana na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot ng kulay kahel na roba at humingi siya ng tubig kay Sita. Hindi nakapagpigil si Ravana. “Bibigyang kita ng limang libong alipin at gagawin kitang reyna ng Lanka,” sabi ni Ravana. Natakot si Sita at nabitiwan ang hawak na banga!
Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karwaheng hila ng mga kabayong may malalapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si Sita pero wala siyang magawa. Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak sa kanyang buhok. Nagdasal siya na sana ay makita iyon ni Rama para masundan siya at mailigtas.
Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni Sita. Hinabol ng ibon ang karwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at duguan itong bumagsak sa lupa.
Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunog ng magkapatid ang bangkay ng agila.Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang hari ng mga higante sa Lanka. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.” Sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.
Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero mas maraming higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang naglaban.
Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng mga higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang patay ang kanilang pinuno. Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling nagsama nang maligaya.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)