Titingin sa kanan titingin sa kaliwa,lalakad ditto lalakad doon at sasamahan pa ng isang buntong
hininga .Muling inaalala mga nagging mahahalagang kaganapan sa tauhan ng
Noli Me Tangere na si Crisostomo Ibarra kung paano at kung sino ang nagdulot sa
kanya ng paghihirap at nakapag
bigay ng
mga suliranin at kung siya nga ba
ay biktima lamang ng pagkakataon .Sino nga ba ang mga nagdulot sa kanya ng
paghihirap at suliranin?Base sa mga ginawa naming pagtatalakayan sa pangunahing tauhan na si Crisostomo Ibarra
,ilan sa mga nagdulot sa kanya ng paghihirap at suliranin ay si Padre Damaso
dahil ninanais nito na pigilan ang mga binabalak ni Ibarra at mawala na ito sapagkat ito’y
nakapag dudulot lamang sa kanya ng kapahamakan ,isa pa sa mga ito ay ang mga
mamamayan sa bayan ng San Diego dahil hindi nila nabigyan ng pagpapahalaga ang
mga bagay na ginawa ni Crisostomo Ibarra ,sa halip ay pinagbabato pa siya nila
dahil sa pag-aakalang siya ang nakapagdudulot sa kanila ng kapahamakan at
paghihirap.Si Maria Clara ay nakapagdulot din sa kanya ng paghihirap dahil sa
sobrang pagmamahal nito sa kanya ay labis din ang sakit na nadama nito ng
malamang ipakakasal na si Maria Clara kay Linares.Sa katanungan naman kung siya
nga ba ay biktima lamang ng pagkakataon ay oo sapagkat natuon ang tingin sa kanya
ni Padre Damaso dahil sa nagging anak siya ni Don Rafael na mayroong malaking
inggit si Padre Damaso noong ito ay
nabubuhay pa kaya ng malaman ni Padre Damaso na ipinagpapatuloy ni Ibarra ang nasimulan
nito ay nagkaroon siya ng galit at inggit din ditto.
Isa rin sa aming mga ginawa ay ang ‘Mack Trial’ kung saan hinati ang limang grupo sa dalawa at mamimili ang dalawang grupo kung sino ang nais nilang maging abugado at gaganap na Ibarra at Elias. Ang napiling abogado ang siyang magbabato ng mga katanungan sa mga nasasakdal na sina Ibarra at Elias.Ang kanilang katanungan ay manggagaling sa kabanata 60 kung saan ang senaryo ay tinulungan ni Elias na makatakas si Ibarra.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento