Biyernes, Marso 20, 2015

Ano ang masasabi mo sa K-12 kurikulum

         Mag tatatlong taon na nang  palitan ng  ating Pangulong Aqiuno ang kurikulum ng ating bansa mula sa dati nitong  kurukulum na Basic Education Curriculum o BEC at ito’y tinawag   na K-12 na nangangahulugang magkakaroon pa ng  dalawang dagdag  na taon sa pag-aaral  at ito ang grade 11 at 12 na naglalayong ihanda ang mga kabatan sa kanilang pagtatapos sa sekondarya.Kung nais na agad nilang magtrabaho at hindi na magpatuloy sa pagkokolehiyo at upang maging handa narin sila sa pagnenegosyo gayundi kung nais pa nilanag magpatuloy sa kolehiyo.

        Ako bilang isang estudyante na nakaranas na sa kurikulum na ito ay aaminin ko na noong una ay nadismaya ako dahil sa halip na makakapagtapos kana agad sa pag-aaral ay madaragdagan kapa ng dalawang taon .Pumasok sa isip ko na kung magpapatuloy pa pala ako sa pag-aaral sa kolehiyo at ang kukunin kong kurso ay four  year  course ay nangangahulugan itong  puro pag-aaral na lamang  ako na dapat sana’y  nagsisimula na ako sa nagtatrabho. Ngunit habang tumatagal   ay napag-isip-isip ko na maganda rin pala ang maidudulot nito para sa ating mga kabataan lalong lalo na sa walang kakayahang makapag-aral sa kolehiyo dahil maliban sa mga dagdag nitong kaalaman ay may pagkakataon na silang makapagtrabaho kahit hindi pa sila nakatungtong ng kolehiyo .Sa panahon natin ngayon,hindi lahat ay kayang makapag-aral sa kolehiyo  kaya nga siguro maraming mga nakaistambay na lamang sa kani-kanilang tahanan dahil nahihirapan  silang makapag-hanap ng trabaho ,isa pa mas lalong magiging handa ang mga mag-aaral sa pagtatrabaho at magiging mas  malawak na ang pagiisip  ng mga kabataan pagdating sa pagdedesisyon.

          Ang K-12 ay hindi ipinatupad upang maslalong pahirapan ang mga kabataan sa pag-aaral kundi para mas lalong hasain ang kanilang pag-iisip at makaasabay sa kung anong mayroon  ang ibang bansa o hindi tayo mapag-iwanan .Marahil ang iba sa inyo ay ang kanilang iniisip sa K-12  ay upang  tumulad lamang tayo sa kung ano ang mayroon sa ibang bansa  ngunit sa halip na ito ang ating isipin bakit hindi nalang kaya natin ilagay sa ating mga isipaan kung aano ang maaari nitong itulong sa atin bilang isa sa mga kabataqn ng pilipiunas at kung paano nito tayo nabibigyan ng sapat na kaalaman sa bawat pagpasok natin sa ating paaralan . :)

Sa aking Guro

            Mga estudyanteng nagkakagulo at ingay na maririnig sa loob ng isang silid –aralan.  May nagkekwentuhan dito ,may  nagtatawanan doon ,may naglalaro sa gitna at may seryosong gumagawa ng dapat na gawin. Lahat ay may kanya kanyang pinagkakaabalahan  ngunit kapag siya ay nakita ng paparating ay  nariyan yung agad na nagsisibalikan sa kani-kanilang upuan kasabay ng pagtahimik na animo’y may dumaan na  isang anghel hanggang siya ay makatungtong sa loob ng aming silid-aralan.Siya ay ang aming guro sa asignaturang Filipino.


            Sa mahigit 10 buwan na siya’y  aming nagging guro ay hindi maipagkakailang may ilang katangian at aral siya na tumatak sa aking isipan bilang kanyang estudyante. Ilan na dito ay kapag siya ang nagtuturo o nagtatalakay ng mga aralin ay tiyak na iyong maiintindihan at kung nahihirapan ka namin na sumunod ay huwag kang mag-alala dahil  ito’y kanyang uulitin hanggang  sa mapaunawa niya ito sa iyo.Siya rin yung gurong hindi ka  maboboring kapag siya ay nagpapaliwanag dahil sa pamamaraan ng kanyng salita at kung minsan pa ay sinasamahan niya ito ng biro ngunit isa rin sa aking natutunan sa kanya ay kapag seryosong bagay o mga importanteng kaganapan ang pinag-uusapan  ay dapat seryoso karin at hindi mo ito ginagawang katatawanan dahil sabi nga ng aming guro ay kapag ginawa mo itong nakakatawa lalo na kung ikaw ay nagpapaliwanag ay  hindi ang mahahalagang bagay o kaganapan ang tatak sa isipan ng mga nakakarinig o nakaririnig kundi ang pagpapatawa na iyong ginawa.Isa pa sa hinding hindi ko makakalimutang karansan bilang kanyang mag-aaral ay kapag siya na ang magtuturo ay dapat hindi ka magsasalita ng ingles kundi dapat tagalong lang  dahil isa sa kanyang nais na aming matutunan ay ang pagiwas sa salitang taglish  dahil dalawa lang naman ang madalas na linguwahe na ating ginagamit,ang tagalong at ingles hindi dito kasali ang taglish at isa pa ay masyado na daw tayong huhumaling sa pagsasalita nito. Ayaw niya rin na kapag siya ay nagtuturo ay kung ano-ano ang ginagawa mo at may kanya-kanyang mundo .

          Siya yung tipo ng guro na masaya kasama pero madalas ay seryoso at may kaunting kasungitan  ngunit makikita mo rin na nais niya ang kanyang ginagawang pagtuturo at ito’y nagmumula sa kanyang puso. :)




Karanasan ko sa ika-siyam na baitang


                                    Ilang buwan na ang nagdaan,ilang araw na ang lumipas at iilang araw na lamang ang natitira sa aking pagiging estudyante sa ikasiyam na  baiting.Sa ilang buwan at araw na ito ay siya naming pagusbong ng aking kaalaman at iba’t ibang karanasan.Kaya’t hayaan mo akong ibahagi sa iyo ang aking mga naging karanasan at natutunan bilang estudyante sa ika-siyan na baiting.
          Ang pagtungtong ko sa ika-siyam na baiting ay masasabi kong masaya pero mahirap.Masaya dahil mas marami kang matututunan at mga karansan na madadagdag na hinding hindi mo makakalimutan dahil sa mga taong iyong nakasasalamuha at sa mga bagay na naituturo nila sa iyo kasama na rin ang mga bagong bagay na  iyong  matutuklasan mula sa iyong mga guro at mga kaklase na nagiging dahilan ng iyong pagkamulat sa mga makamundong bagay na kung noon na nasa ika-pito at ikawalong baiting pa lamang tayo ay hindi pa ganon karami ang ating mga nalalaman may oras pa tayo para maglarolaro at kaunti palamang ang ating mga
pinoproblema.Dito mas lalong naging bukas ang ating mga isipan sa kung paano mo haharapin ang isang mahirap na gawain gamit ang ating mga natutunan.Mahirap naman dahil kinakailangan mo ng sapat na kaalaman  para  magawa ang isang bagay at mas lalong pahirap ng pahirap ang inyong mga tinatalakay  at mga Gawain na kailangang gawin sa bawat araw na lumilipas na kung minsan pa nga ay hindi mo na alam kung ano ba dapat ang iyong gawin at unahin para lang matapos mo ito, nariyan yung kinakailangan mo pang  magpuya’t para lang magawa mo ito.pero ganyan talaga ang buhay ng isang estudyante ,may mga panahon na mahihirapan kana at ayaw mo na itong ituloy basta’t lagi mo lang tatandaan na lahat ay magagawa mo kung may tiwala ka lang sa iyong sarili na matatapos mo ito.

       Ang pagiging estudyante ay hindi madali pero kapag sinamahan mo lang ito ng sipag,tiyaga at tiwala siguradong masasabi mo na masarap palang maging isang estudyante  lalo na kung  alam mo may patutunguhan ang bawat oras na iyong nilalan sa bawat Gawain.:)
               

     






Linggo, Marso 15, 2015

Takdang-Aralin sa Filipino




Larawan ng aking Takdang-Aralin

   




Repleksyon para sa ika-siyam na linggo :)



          “Ang dalagang pilipina ay tapat magmahal,Ang dalagang pilipina ay simple manamit at ang salagang pilipina ay mahinhin gumalaw” ilan lamang iyan sa mga katagang maiuugny bilang isang dalagang Pilipina.Ano ba ang pumapasok sa iyong isipan kapag naririnig mo ang salitang dalagang pilipina?Siguro nariyan  na yung pagiging isang mayumi at  konserbatibo. Kung ito’y aking ihahambing  sa aming mga nagging talakayan patungkol sa Nobela ni Rizal  na Noli Me Tangere ay masasabing kong  ang pagiging isang  dalagang pilipina ay maiuugnay sa isa sa mga tauhan nito na si Maria Clara.

        Sa mga naganap naming talakayan patungkol kay Maria Clara,may  mga bahagi sa bawat kabanata nito na nagpapakita ng mga katangiaan niya  bilang isang  dalagang pilipina ,halimbawa na lamang nito ay ang kanyang pagiging masunuring anak na kahit labag na ito sa kanyang kalooban ay ginagawa nya parin .Tulad sa isang kabanata na ninanais ni Padre Daamaso na magpakasal siya kay Linares  ,pumayag siya kahit alam niya na ang kanyang  tunay na minamahal ay si Ibarra diba’t noong nakaraaang panahon ay ang mga kababaihan ay walang kakayahang magdisesyon para sa kanilang sarili ,tanging ang kanilang magulang ang nasusunod.Nagkaroon din kami ng ilang pangkatang gawain na may kaugnayan sa kanya ,tulad ng paglikha ng tula,poster,slogan at awit na nagpapakita ng tunay na pag-ibig
        Kaugnay nito, tinalakay din namin ang pagkakaiba ng kababaihan noong unang  panahon at sa kasalukuyan.Na kung noon ay napaka konserbatibo ng mga kababaihan na halos wala ka ng makikita sa kanila dahil sa paran ng kanilang pananamit ay siya namang kabaliktaran sa kasalukuyang panahon na kung manamit ay wala ng tinatago.
       Ilan lamang iyan sa aming mga tinalakay na nagpapakita na si Maria Clara ay sinisimbola ng isang dalagang pilipina.Hanggang sa muli ^_^ v
                                   

 

Pangkatang Gawain


       

Linggo, Marso 8, 2015

Repleksyon para sa ika-walong linggo ng talakayan



                    Panibagong linggo na naman ang lumipas .Panibagong talakayan at kaalamang madadagdag.Uupo sa isang tabi ,kukunin ang mga panulat at mag-iisip.Saglit na katahimikan ang maririnig at mayamaya’y  babaybayin sa isipan ang mahahalagang kaganapan at kaalaamang natuklasan sa bawat araw  na lumipas .Tulad sa nakaraang panahon ang siyang mga nagging kaganapan sa buhay ng ilan sa mahahalagang tauhan sa nobela ni Rizal na Noli Me Tangere na sina Elias,Maria Clara at Sisa.

                   Ang buhay ni Elias ay masasabi kung masalimuot dahil hindi na niya nakita pa ang inaasam na kalayaan sa pagliligtas sa buhay ng kanyang itinuturing na kaibigan  na si Crisostomo Ibarra.Pinili ni Elias na iligtas si Ibarra  kahit alam niya na ang mga ninuno nito ang nagdulot sa kanya ng kasawian sapagkat na niniwala  siya na hindi niya dapat ito dinaranas  at ayaw ni Elias na sa pagdating  ng panahon ay itakwil siya ng sarili niyang bayan.Sa makatuwid,pinili ni Elias ang kanyang pakikipag kaibigan kaysa sa paghihiganti at nilimot niya rin ang kanyang pagmamahal kay Salome para sa ikaliligtas nito.Si Maria Clara naman ay masasabi kong hindi nagging maganda ang kanyang kapalaran  sapagkat   hindi sila nagkatuluyan ni Ibarra sa kabila ng kanilang wagas na pagmamahalan  at nagging sunod-sunuran lamang siya sa nais ng kanyang mga magulang para sa kanyang buhay.Pagdating naman kay Sisa ,tulad ng kay Maria Clara  ay hindi nagging maganda ang takbo ng kanyang kapalaraan bagama’t mayaman na tao siya ay nagging mali ang paagpili niya sa kanyang mapapangasawa dahil isa itong walang kwentang tao sapagkat ang alam lamang nito ay ang pagsusugal at paghingi ng pera kay Sisa na siyang nagging dahilan ng pagkaubos ng kanyang mga yaman at ng kanyang pagka baliw.Ang nagpalala pa ng kanyang pagkawala sa sariling katinuan ay ang hindi nito pagkakita sa kanyang nawawalang mga anak na si Crispin at Basilio.Nagpalabo’y labo’y siya sa lansangan,sa pagbabalik ni Basilio ay ang kanyang pagkamata’y dahil ng bumalik ang kanyang katinuan ay nakita niya itong walang malay at sa pagkagising ni Basilio ay natagpuan niya ang kanyang ina na wala nang buhay,marahil ay nagpakamata’y ito sa pag-akalang patay na si Basilio.
                           Ito ang ilan sa mga nagging kaganapan sa buhay nila Elias,Maria Clara at Sisa  na aming tinalakay sa  bawat araw na lumipas.Sa mga tinalakay na ito ay aking natutunan kung paano maging isang tapat na kaibigan,mangingibig at kung paano naging isang mabuting magulang si Sisa.Hanggang dito na lamang ang aking repleksyon.Salamat.
:) v

Lunes, Marso 2, 2015

Repleksyon para sa ika-pitong linggo

                                 Titingin sa kanan titingin sa kaliwa,lalakad ditto lalakad doon  at sasamahan pa ng  isang buntong  hininga .Muling inaalala mga nagging mahahalagang kaganapan sa tauhan ng Noli Me Tangere na si Crisostomo Ibarra kung paano at kung sino ang nagdulot sa kanya ng  paghihirap at nakapag bigay  ng  mga suliranin at  kung siya nga ba ay biktima lamang ng pagkakataon .Sino nga ba ang mga nagdulot sa kanya ng paghihirap at suliranin?Base sa mga ginawa naming pagtatalakayan  sa pangunahing tauhan na si Crisostomo Ibarra ,ilan sa mga nagdulot sa kanya ng paghihirap at suliranin ay si Padre Damaso dahil ninanais nito na pigilan ang mga binabalak  ni Ibarra at mawala na ito sapagkat ito’y nakapag dudulot lamang sa kanya ng kapahamakan ,isa pa sa mga ito ay ang mga mamamayan sa bayan ng San Diego dahil hindi nila nabigyan ng pagpapahalaga ang mga bagay na ginawa ni Crisostomo Ibarra ,sa halip ay pinagbabato pa siya nila dahil sa pag-aakalang siya ang nakapagdudulot sa kanila ng kapahamakan at paghihirap.Si Maria Clara ay nakapagdulot din sa kanya ng paghihirap dahil sa sobrang pagmamahal nito sa kanya ay labis din ang sakit na nadama nito ng malamang ipakakasal na si Maria Clara kay Linares.Sa katanungan naman kung siya nga ba ay biktima lamang ng pagkakataon ay oo sapagkat natuon ang tingin sa kanya ni Padre Damaso dahil sa nagging anak siya ni Don Rafael na mayroong malaking inggit  si Padre Damaso noong ito ay nabubuhay pa kaya ng malaman ni Padre Damaso na ipinagpapatuloy ni Ibarra ang nasimulan nito ay nagkaroon siya ng galit at inggit din ditto.
                               Isa rin sa aming  mga ginawa ay ang ‘Mack Trial’ kung saan hinati ang limang grupo sa dalawa at mamimili ang dalawang grupo kung sino ang  nais nilang maging abugado at gaganap na Ibarra at Elias. Ang napiling abogado ang siyang magbabato ng mga katanungan sa mga nasasakdal na sina Ibarra at Elias.Ang kanilang katanungan ay manggagaling sa kabanata 60 kung saan ang senaryo ay tinulungan ni Elias na makatakas si Ibarra.