Biyernes, Marso 20, 2015

Karanasan ko sa ika-siyam na baitang


                                    Ilang buwan na ang nagdaan,ilang araw na ang lumipas at iilang araw na lamang ang natitira sa aking pagiging estudyante sa ikasiyam na  baiting.Sa ilang buwan at araw na ito ay siya naming pagusbong ng aking kaalaman at iba’t ibang karanasan.Kaya’t hayaan mo akong ibahagi sa iyo ang aking mga naging karanasan at natutunan bilang estudyante sa ika-siyan na baiting.
          Ang pagtungtong ko sa ika-siyam na baiting ay masasabi kong masaya pero mahirap.Masaya dahil mas marami kang matututunan at mga karansan na madadagdag na hinding hindi mo makakalimutan dahil sa mga taong iyong nakasasalamuha at sa mga bagay na naituturo nila sa iyo kasama na rin ang mga bagong bagay na  iyong  matutuklasan mula sa iyong mga guro at mga kaklase na nagiging dahilan ng iyong pagkamulat sa mga makamundong bagay na kung noon na nasa ika-pito at ikawalong baiting pa lamang tayo ay hindi pa ganon karami ang ating mga nalalaman may oras pa tayo para maglarolaro at kaunti palamang ang ating mga
pinoproblema.Dito mas lalong naging bukas ang ating mga isipan sa kung paano mo haharapin ang isang mahirap na gawain gamit ang ating mga natutunan.Mahirap naman dahil kinakailangan mo ng sapat na kaalaman  para  magawa ang isang bagay at mas lalong pahirap ng pahirap ang inyong mga tinatalakay  at mga Gawain na kailangang gawin sa bawat araw na lumilipas na kung minsan pa nga ay hindi mo na alam kung ano ba dapat ang iyong gawin at unahin para lang matapos mo ito, nariyan yung kinakailangan mo pang  magpuya’t para lang magawa mo ito.pero ganyan talaga ang buhay ng isang estudyante ,may mga panahon na mahihirapan kana at ayaw mo na itong ituloy basta’t lagi mo lang tatandaan na lahat ay magagawa mo kung may tiwala ka lang sa iyong sarili na matatapos mo ito.

       Ang pagiging estudyante ay hindi madali pero kapag sinamahan mo lang ito ng sipag,tiyaga at tiwala siguradong masasabi mo na masarap palang maging isang estudyante  lalo na kung  alam mo may patutunguhan ang bawat oras na iyong nilalan sa bawat Gawain.:)
               

     






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento