Mag tatatlong taon na nang palitan ng ating Pangulong Aqiuno ang kurikulum ng ating bansa mula sa dati nitong kurukulum na Basic Education Curriculum o BEC at ito’y tinawag na K-12 na nangangahulugang magkakaroon pa ng dalawang dagdag na taon sa pag-aaral at ito ang grade 11 at 12 na naglalayong ihanda ang mga kabatan sa kanilang pagtatapos sa sekondarya.Kung nais na agad nilang magtrabaho at hindi na magpatuloy sa pagkokolehiyo at upang maging handa narin sila sa pagnenegosyo gayundi kung nais pa nilanag magpatuloy sa kolehiyo.
Ako bilang isang estudyante na nakaranas na sa kurikulum na ito ay aaminin ko na noong una ay nadismaya ako dahil sa halip na makakapagtapos kana agad sa pag-aaral ay madaragdagan kapa ng dalawang taon .Pumasok sa isip ko na kung magpapatuloy pa pala ako sa pag-aaral sa kolehiyo at ang kukunin kong kurso ay four year course ay nangangahulugan itong puro pag-aaral na lamang ako na dapat sana’y nagsisimula na ako sa nagtatrabho. Ngunit habang tumatagal ay napag-isip-isip ko na maganda rin pala ang maidudulot nito para sa ating mga kabataan lalong lalo na sa walang kakayahang makapag-aral sa kolehiyo dahil maliban sa mga dagdag nitong kaalaman ay may pagkakataon na silang makapagtrabaho kahit hindi pa sila nakatungtong ng kolehiyo .Sa panahon natin ngayon,hindi lahat ay kayang makapag-aral sa kolehiyo kaya nga siguro maraming mga nakaistambay na lamang sa kani-kanilang tahanan dahil nahihirapan silang makapag-hanap ng trabaho ,isa pa mas lalong magiging handa ang mga mag-aaral sa pagtatrabaho at magiging mas malawak na ang pagiisip ng mga kabataan pagdating sa pagdedesisyon.
Ang K-12 ay hindi ipinatupad upang maslalong pahirapan ang mga kabataan sa pag-aaral kundi para mas lalong hasain ang kanilang pag-iisip at makaasabay sa kung anong mayroon ang ibang bansa o hindi tayo mapag-iwanan .Marahil ang iba sa inyo ay ang kanilang iniisip sa K-12 ay upang tumulad lamang tayo sa kung ano ang mayroon sa ibang bansa ngunit sa halip na ito ang ating isipin bakit hindi nalang kaya natin ilagay sa ating mga isipaan kung aano ang maaari nitong itulong sa atin bilang isa sa mga kabataqn ng pilipiunas at kung paano nito tayo nabibigyan ng sapat na kaalaman sa bawat pagpasok natin sa ating paaralan . :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento