Sa mahigit 10 buwan na siya’y aming nagging guro ay hindi maipagkakailang may ilang katangian at aral siya na tumatak sa aking isipan bilang kanyang estudyante. Ilan na dito ay kapag siya ang nagtuturo o nagtatalakay ng mga aralin ay tiyak na iyong maiintindihan at kung nahihirapan ka namin na sumunod ay huwag kang mag-alala dahil ito’y kanyang uulitin hanggang sa mapaunawa niya ito sa iyo.Siya rin yung gurong hindi ka maboboring kapag siya ay nagpapaliwanag dahil sa pamamaraan ng kanyng salita at kung minsan pa ay sinasamahan niya ito ng biro ngunit isa rin sa aking natutunan sa kanya ay kapag seryosong bagay o mga importanteng kaganapan ang pinag-uusapan ay dapat seryoso karin at hindi mo ito ginagawang katatawanan dahil sabi nga ng aming guro ay kapag ginawa mo itong nakakatawa lalo na kung ikaw ay nagpapaliwanag ay hindi ang mahahalagang bagay o kaganapan ang tatak sa isipan ng mga nakakarinig o nakaririnig kundi ang pagpapatawa na iyong ginawa.Isa pa sa hinding hindi ko makakalimutang karansan bilang kanyang mag-aaral ay kapag siya na ang magtuturo ay dapat hindi ka magsasalita ng ingles kundi dapat tagalong lang dahil isa sa kanyang nais na aming matutunan ay ang pagiwas sa salitang taglish dahil dalawa lang naman ang madalas na linguwahe na ating ginagamit,ang tagalong at ingles hindi dito kasali ang taglish at isa pa ay masyado na daw tayong huhumaling sa pagsasalita nito. Ayaw niya rin na kapag siya ay nagtuturo ay kung ano-ano ang ginagawa mo at may kanya-kanyang mundo .
Siya yung tipo ng guro na masaya kasama pero madalas ay seryoso at may kaunting kasungitan ngunit makikita mo rin na nais niya ang kanyang ginagawang pagtuturo at ito’y nagmumula sa kanyang puso. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento